Binuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang bidding ng rehabilitation at maintenance project para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, ang P170.6 bilyong kontrata ay kinabibilangan ng operasyon at pag-optimize ng mga potensyal ng NAIA.
Aprubado na ito ng National Economic and Development Authority (NEDA), na may kinalaman sa Rehabilitate-Operate-Expand-Transfer modality.
Bukod pa sa mga nabanggit, saklaw ng proyketo ang lahat ng pasilidad ng paliparan, kabilang ang mga runway, apat na terminal, at mga kaugnay na pasilidad.
