DOT, isinusulong na maging Muslim friendly destination ang Pilipinas

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DOT Undersecretary Myra Paz Valderrosa Abubakar, target nilang maparami ang mga turistang bumibisita sa bansa mula sa mga Muslim countries.

Tulad ng Malaysia, Indonesia, at Brunei Darussalam.

Read More:  Philippines, Canada aim to conclude free trade agreement this year

Sa tala ng DOT, pang pito ang Malaysia sa may pinaka maraming tourist arrival sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Abubakar, may ginagawa na ring efforts ang DOT para paigtingin ang pagiging Muslim friendly, tulad ng pagkilala sa mga Muslim-friendly accomodation establishment sa iba’t ibang lugar sa bansa, at ang promotion ng Halal food culinary at Halal-certified restaurants.

Read More:  Filipina files acts of lasciviousness complaint vs Russian Embassy staff

Maliban sa Mindanao, inihahanda na rin ng DOT ang Cebu, Clark at Manila na maging Muslim-friendly destination.