Ipinaliwanag ni Department of Tourism Sec. Christina Frasco ang kahulugan ng bagong tourism slogan ng Pilipinas na ‘Love the Philippines’.
Ayon kay Frasco, ang naturang slogan ay hindi lamang isang branding campaign, bagkus ay isang panghihikayat sa mga Pilipino ma magkaroon ng sense of pride bilang mamamayan ng Pilipinas.
Ibinahagi niya na ang prayoridad ng mga travelers at mga turista ay ang maranasan ng mga ito ang kultura at heritage na mayroon ang ating bansa.
Dagdag pa nito, marami pang bagay ang maaaring maibahagi ng ating mga kababayan sa ibat-ibang bansa.
Hinikayat pa niya na ibahagi natin sa ibang tao ang mga kaibig-ibig na bagay sa kanilang sariling bayan. //JC Javier
