MUP pension contribution, dinepensahan ng DOF

Nanindigan si Department of Finance Sec. Benjamin Diokno sa pagkakaroon ng kontribusyon ng mga Military and Uniformed Personnel (MUP) para sa unang tatlong taon ng panukalang pension system.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum, sinabi ni Diokno na hindi maaaring e-enjoy ang pension nang hindi ka nag-contribute.

Read More:  Ex-PNP Chief Nicolas Torre says he’s ready to help arrest Bato

Ito raw ay bilang tugon sa sinabi ni Senate Committee on National Defense and Security chairperson Senator Jinggoy Estrada na pabigat ang sinasabing pension contribution sa mga Military and Uniformed Personnel (MUP).

Ang naturang pensiyon ng MUP ay sumasaklaw sa mga retirado mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Corrections, Philippine Coast Guard at Philippine Public Safety College.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Nakatakdang magkaroong 5% na kontribusyon ang mga aktibo pa sa serbisyo samantala, ang mga bagong pasok sa uniformed services ay mag ambag ng 9% ng kanilang basic salary at longevity pay sa retirement fund.