Ininspeksyon ng Department of Tourism Region 3, LIPAD at Clark Development Corporation ang mga pasilidad sa bagong passenger terminal building sa Clark International Airport.
Makikita ang interior design nito na ang inspirasyon ay mula sa natural na ganda ng lalawigan ng Pampanga.
Mayroon rin itong lounge para sa mga Overseas Filipino Workers, walk-through commercial spaces, gender-neutral toilets, prayer rooms at mayroon ring elevator at escalator.
Kabilang rin sa paliparan ang automated self-bagging drops, kiosk para sa self-check-ins at e-gates sa immigration areas.
Samantala, ayon sa DOT, inaasahang papasinayaan ang bagong pasilidad sa paliparan sa darating na buwan ng Abril.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Department of Tourism-Region 3
