DOST, plano nang pag-aralan ang paghahalo ng brand ng COVID-19 vaccine sa June

Plano ng Department of Science and Technology (DOST) na pag-aralan ang paghahalo ng COVID-19 vaccines sa susunod na buwan. 

Ayon kay DOST Secretary Fortunato de la Peña, hihingi pa ng approval ang DOST sa Food and Drug Administration (FDA) at Philippine Health Research Ethics Board para sa study.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Aniya, ang study na isasagawa ng Philippine Society for Allergy, Asthma, and Immunology ay tatagal ng 18 buwan at posibleng lakuhan ng nasa 1,200 participants.

Dagdag ni dela Pena, na may isasagawang antibody test sa kasaling indibidwal sa loob ng limang beses sa iba’t-ibang petsa. 

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Sinabi pa ng opisyal na sa oras na maaprubahan, ang paghahalo ng dalawang magkaibang COVID-19 vaccine brand ay makakatulong na matiyak ang ikalawang doses sa gitna ng liitadong suplay ng anti-coronavirus shots.