NAGA CITY- Proud ang Department of Science and Technology – Camarines Sur sa pagkakaimbento ng gloves na gamit sa sign language , nasasalin sa salita o speech ang senyas o sign language translator gloves.
Ang gamit na ito ay naimbento ng Electrical Engineering students na sina Francis Anthony de Guzman, Rency Galan Dela Cruz, at Klenn Arvin Alcibor ng Camarines Sur Polytechnic Colleges- Nabua.
Malaking tulong ito sa mga nasa deaf-mute community.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Pat Felizmenio , Provincial Officer ng DOST sinabi nitong hindi nagtatapos sa pagkilala ang pagbibigay importansya sa mga imbensyon, sa estudyante at paaralan kundi kung papaano at sino ang manginginabang dito.
Dagdag ni Felizmenio, daraan sa proseso ang pag commercialized ng naturang gawa.
Nais ng DOST na mas tangkilikin pa ang pananaliksik sa agham at teknolohiya. Maaasahan naman aniya an tulong ng DOST ukol dito.