DORMITORY SA SLSU INFANTA CAMPUS, SISIMULAN NA

Nagsimula na ang block laying ceremony ng itatayong dormitoryo para sa mga estudyante ng Southern Luzon State University (SLSU) sa Infanta, Quezon nitong Miyerkules, Agosto 3.

Ang naturang dormitoryo ay isa sa mga sa mga proyekto ng Angat Buhay Foundation katuwang ang Rotary Club of Makati. Pinangunahan ni dating Vice President Atty. Leni Robredo, SLSU President Dr. Doracie Zoleta-Nantes, kasama ang mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan ng Infanta ang seremonya.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ang itatayong dormitoryo ay isang 1-storey building na makakapagpatuloy ng 25 na estudyante mula sa indigenous people (IPs) tulad ng Dumagat at Agta na mag aaral sa SLSU.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Matatandaang nauna nang nagkaroon ng Memorandum of Agreement (MOA) signing ang naturang proyekto noong July 29 at aasahan namang magagamit na ito ng mga estudyante sa SLSU Infanta sa susunod na taon. | Photo Courtesy/ SLSU Office of Student Affairs and Services via Kristine Salamat/BNFM Lucena