Gov. Remulla, iginiit na wala silang koneksyon sa POGO hub sa Cavite

Nag-alok si Cavite Governor Jonvic Remulla ng P10-milyong pabuya sa sinumang makakapagpatunay ng kanyang kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na itinayo sa isang resort sa Kawit, Cavite, na dating pagma-may ari ng kanyang pamilya.

Mariin niyang itinanggi ang mga alegasyong protektor sila ng negosyong nauugnay sa ilang ilegal na aktibidad sa Pilipinas.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Aniya, matagal nang wala sa pamilya Remulla ang pagma-may ari ng nasabing resort dahil taong 2018 pa nila ito ibinenta.

Ilang viral post sa social media ang nag-uugnay sa pamilya Remulla sa mga operasyon ng POGO matapos na ibenta ang Island Cove sa isang Filipino-Chinese businessman, na kalaunan ay ginawang POGO hub.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Dagdag pa rito na hinirang bilang direktor ng Philippines Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang kanyang kapatid na si dating Cong. Gilbert Remulla noong 2022.

###