WALA NA, FINISHED NA.
Winakasan na ng aktor na si Dominic Roque ang dating rumors kasama ang aktres na si Kathryn Beranrdo.
Sa isa kasing Facebook post, makikita ang picture nilang dalawa at may caption ito na – “Dominic Roque, nanliligaw nga ba kay Kathryn Bernardo?”
Hindi ito nakaligtas kay Dominic, at sinagot niya ang palaisipan.
Aniya, tinuturing niyang kapatid si Kathryn, at sila ay “bros.”
Mababatid na nasa parehong group of friends ang dalawa, at tinatawag nila itong “Nguya Squad.”
Sa kaparehong grupo, kasama rin nila ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla.
Samantala, muling gaganap si Kathryn bilang Joy sa sequel ng 2019 blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye,” na pinamagatang “Hello, Love, Again”.
Katambal niya rito si Alden Richards.
Nakatakdang ipalabas sa Pilipinas ang naturang pelikula sa Nobyembre 13. (Jaime A Codizal – Brigada News Intern)