20 na MSME sa Rehiyon Dos, lalahok sa National Food Fair

Aabot sa dalwampu na Micro Small and Medium Enterprises sa Rehiyon Dos ang lalahok sa gaganaping DTI-Bagong Pilipinas National Food Fair sa ikatlo hanggang ika-pito ng Hulyo, taong kasalukuyan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ibibida ng nasabing mga MSME ang kanilang export-quality products na mas pinalago sa ilalim ng Product Development and Food Development Program ng DTI-Region 2.

Kabilang sa mga ibebenta sa nasabing food fair ay mga pagkain, inumin, halal certified products, fresh produce, kagamitan at iba pa.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Hinikayat naman ng kagawaran ang publiko na tangkilikin ang gawa ng mga MSME bilang pagsuporta sa kanilang mga negosyo.