Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang PAGCOR na magbigay pa ng mas komprehensibong detalye ng mga maaapektuhang empleyado dahil sa pagba-ban ng mga POGOs.
Sa Post-SONA forum, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na naglalaro sa 15,000 ang bilang ng mga mawawalan ng trabaho.
Nagpa-fluctuate pa raw ang bilang na ito lalo na’t hindi pa rin tukoy ang tiyak na bilang ng affected POGO workers.
Sa ngayon, target daw ng DOLE na matapos ang rofiling sa mga ito sa loob ng isa o hanggang dalawang linggo.
Magkakaroon daw ng ‘job-matching’ para matiyak na ‘fit’ pa rin sa kanila ang ibibigay na bagong trabaho, pati na rin ang kanilang mga sasahurin.
Ilan naman sa mga industriyang maaaring paglipatan sa kanila ay sa IT sector, ‘o ‘di kaya’y sa mga BPO.
Maaalalang sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos – idineklara niya ang POGO ban, at ipinag-utos na plantsahin ang mga mga issues dito bago matapos ang taon.