DOLE, naglabas ng labor advisory hinggil sa mga hindi makapapasok ngayong araw dahil sa sama ng panahon

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment o DOLE sa mga pribadong kompanya, kaugnay sa suspension ng trabaho sa panahon na may weather disturbances at kahalintulad na pangyayari.

Nakasaad na batay sa Article 5 ng Labor Code of the Philippines na inamyendahan ng RA 11058, pwedeng magsuspinde ng pasok ang mga private company para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado kapag masama ang panahon.

Read More:  Bantay Impeachment: avoid delaying tactics in VP Sara impeachment trial

Ang mga empleyadong hindi papasok ay ipatutupad ang no work no pay, maliban na lang kung may favorable policy ang kompanya.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Habang ang mga empleyado naman na pumasok sa panahon na may weather disturbances, ay entitled sa full regular pay basta’t hindi bababa sa anim na oras ang kanyang duty.

Wala namang liability ang mga empleyado kung hindi ito makakapasok o ayaw pumasok sa panahon na may weather disturbances.