Kasambahay, patay matapos subukang tumakas sa amo sa Lucena City

Patay ang isang kasambahay matapos nitong mahulog sa warehouse ng Lucena Mabuhay Lumber & Hardware sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Sabado, Hunyo 15

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, gusto nang umalis sa trabaho ng 36-anyos na nasawi dahil ayaw na umano nito kung kaya nagtangka itong tumakas.

Dumaan umano sa fiber glass ceiling sa ikalimang palapag ang biktima subalit nasira ang bahagi nito kung saan doon na siya nahulog saka binawian ng buhay.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pagkasawi ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *