DOLE, nagpaalala sa mga employer sa tamang pasahod sa Chinese New Year

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment ang mga employer at manggagawa na ang no work, no pay policy ay ipapatupad sa Chinese New Year holidays sa Pebrero 9 at 10 na parehong idineklara bilang special non-working days.

Sa inilabas na Labor Advisory 01, series of 2024, pinayuhan ng ahensya ang mga employer na bayaran ang kanilang manggagawa ng tamang remuneration sa nasabing mga araw.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Nakasaad sa kautusan na ang manggagawa na nagtrabaho sa special non-working day ay babayaran ng karagdagang 30% ng kanyang sahod para sa unang walong oras ng kanyang trabaho.

Kapag nag-overtime ang isang empleyado sa araw na iyon ay makatanggap ng karagdagang 30%.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Mababatid na naglabas ang Malacanang ng Proclamation 368, series of 2023 na nagdedeklara sa February 10 bilang karagdagang special non-working day at Proclamation 453, series of 2024 na nagdedeklara sa February 9 bilang karagdagang special non-working day.

Ang Chinese New Year ay ang pagdidiriwang ng pagdidiriwang ng pagsisimula bagong taon sa tradisyunal na lunar calendar.