Available ‘forces’ at ‘resources’ ng PNP – pinagagamit na ng PNP chief para tumulong sa disaster response ng pamahalaan

Nag-deploy na ng mga tauhan at kagamitan ang Philippine National Police para tumulong sa disaster response efforts ng pamahalaan.

Ito’y kasunod ng mga pagbaha dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Carina at epekto ng Habagat.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ito’y makaraang ipag-utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na gamitin ang lahat ng available “forces” at “resources” ng PNP sa pagsasagawa ng humanitarian assistance and disaster response.

Sa ngayon naka-deploy na ang mga mobility assets ng PNP para tumulong sa mga kinakailangang ilikas na residente.