DOLE – inumpisahan na ng profiling para sa mga Pilipinong empleyadong maaapektuhan ng POGO ban

Kinumpirma ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na nagsimula na ang kanilang profiling para sa mga manggagawang maaapektuhan ng POGO ban.

Sa isang pahayag, sinabi ni Laguesma na ginagawa nila ito upang malaman kung ilan ang madi-displace na workers, at anong trabaho at kasanayan ang mayroon sila.

Read More:  Passenger thrown from jeep after alleged aggressive driving, LTO suspends driver’s license

Tinitingnan pa rin aniya ng ahensya ang mga intervention na pwedeng gawin para sa mga ito.

Binigyang-diin ng kalihim na mahalagang maisagawa ng profiling upang mai-match ang mga manggagawa sa mga pwede nilang posisyon.

Read More:  Senate committee to investigate Tacloban City school shooting, online gaming platforms

Sakaling may kakulangan man daw sa kanilang kasanayan, tiniyak ni Laguesma ang pag-alalay sa mga workers sa pamamagitan ng upscaling at retraining.