Senate Committee on National Defense – nanawagan sa DFA na maging transparent hinggil sa RoRe deal kasama ang China

Pinahahalagahan ni Senate President Pro Tempore at Senate Committee on National Defense, Chairperson, Senador Jinggoy Estrada ang naging pagsisikap ng Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa Philippine-China Arrangement para sa Rotation and Resupplying (RORE) sa BRP Sierra Madre.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Ngunit sa kabila nito, hinimok niya ang DFA na maglabas pa ng karagdagang impormasyon tungkol dito bilang pagpapakita ng transparecy.

Anya, importanteng magawa ito lalo na’t iginigiit ng China ang tungkol sa paunang abiso at on-site na kumpirmasyon bago ang pagsasagawa ng resupply mission.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Samantala, batid naman ng senador na isang practical na solusyon ang pagkakaroon ng kasunduang ito upang matiyak na mabibigyan ng sapat na suporta ang mga tropa ng Pilipinas na naka-deploy dito at mapababa ang tensyon sa West Philippine Sea.