PAOCC – kumpiyansang kakayanin hanggang sa katapusan ng taon ang tuluyang paglansag sa mga POGO

Naniniwala si Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na sapat ang limang buwang deadline para matukoy ang mga malalaking tao na nasa likod ng POGO operations.

Ayon kay PAOCC Undersecretary Gilbert Cruz, sapat ang five-month period hindi lang para ma-identify ang mga boss sa POGO, kung ‘di pati ang pagbuo ng database para sa foreign nationals na nagtatrabaho sa mga kumpanyang ito.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Dagdag pa ni Cruz, ang mga database na ito ay ‘crucial’ para matiyak na ang lahat ng POGO workers ay maipade-deport sa tunay nilang mga bansa.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Sa huli, tiniyak din nito na sa tulong ng mga law enforcement agencies, ipagpapatuloy nila ang pag-neutralize sa mga scam farms na nag-o-operate.