Sinampahan na ng kasong kriminal ang lider ng Socorro Bayanihan Services Inc. na si Jey Rence Quilario o Senior Agila.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla kakaharapin ni Quilario ang mga kasong qualified trafficking in persons, facilitation of child marriage, solemnization of child marriage at child abuse charges.
Sinabi pa ni Remulla, inaasahan na nila na maglalabas ng warrant of arrest ang korte pero hindi nagbigay ng detalye ang DOJ tungkol sa basehan sa pagsasampa ng kaso laban sa akusado.
Dagdag pa niya, na nagsisimula pa lang ang ahensya na kasuhan ang lider at opsiyal ng SBSI.
