Hidilyn Diaz, magbubukas ng weightlifting academy sa Rizal

Pinangunahan ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang groundbreaking ceremony sa malapit nang itayo na “HD Weightlifting Academy” sa Jala-Jala, Rizal.

Aniya, ito ang kanyang magiging “training place” para sa paghahanda sa Paris Olympics 2024.

Inihayag ni Diaz na ang pasilidad ay hindi lamang para sa kanyang mga personal na layunin, ngunit ito rin ang kanyang paraan ng pagbabalik-loob sa bansa at sa mga batang atleta na ngangarap rin maging Olympic medalist at world champion.

Sa ngayon, naka-focus ang Olympian na palakasin ang kanyang pagsasanay habang umaasa siyang makapag-uwi ng isa pang medalya para sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *