Nagsimula nang humanap ng mga lead ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kaso ng pagpaslang sa radio anchor sa Misamis Occidental na si Juan Jumalon o mas kilala na si Johnny Walker.
Ayon kay Justice spokesperson Mico Clavano na nagsimula nang tumanggap ng impormasyon sa kaso ang NBI upang matukoy na ang gunman.
Nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Presidential Task Force on Media Security para sa pagbabahagi ng mga impormasyon sa ikalulutas ng kaso.
Mababatid na binaril nang malapitan si Jumalon habang naka-live broadcast.
Ang PNP Regional Office 10 ay bubuo na rin ng special investigation task group para imbestigahan ang krimen.
