DOJ, problemado sa kakulangan sa pasilidad para sa nahuhuling Pogante

Aminado si Department of Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na nahihirapan silang habulin ang mga ilegal na POGO dahil hindi sapat ang mga pasilidad para sa mga nahuhuling dayuhan.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Sabi pa niya na mas lalo pang naiipon ang mga nakakulong na foreign nationals dahil sa demendang tinatawag na “Demanda Me System”.

Kung saan nagbabayad ang mga foreign nationals sa mga abodagado para sampahan sila ng kaso upang manatili sila sa Pilipinas at hindi ma-deport dahil sa ilalim ng batas hindi made-deport kung may nakabinbin na kaso.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Pinuna din ni Remulla ang Chinese embassy sa Pilipinas dahil bigo itong makipagtulungan sa bansa.