DOJ, planong humingi ng tulong sa mga bangko ukol sa posibleng ‘cashless vote-buying’ incidents

Plano ng Department of Justice (DOJ) na humingi ng tulong mula sa mga bangko dahil posible umanong ginagamit ang mga cashless transactions sa vote-buying.

Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, mas madaling mahuli ang mga cashless transactions kung ginagamit ba talaga ito sa pagbili ng boto dahil meron umano itong sinusundan na paper trail.

Aniya, ang mga kopya ng transaksyon kasama ng iba pang dukomento ay magiging isang matibay na ebidensya laban sa kandidato.

Samantala, sinabi ni Comissions on Elections (Comelec) Commissioner Atty. George Garcia na may natanggap silang impormasyon patungkol sa cashless vote-buying na talamak sa ilang mga lugar sa bansa. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *