DOJ, pinakakasuhan ang may-ari ng lumubog na M/T Princess Empress

Pinasasampahan na ng Department of Justice ng kasong kriminal ang may-ari ng M/T Princess Empress na lumubog sa karagatan ng Oriental Mindoro noong Pebrero 2023.

Nakitaan ng DOJ ng sapat na basehan ang reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division at ng local na pamahalaan ng Oriental Mindoro.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Ang may-ari ng naturang barko ng RDC Reiled Marines Services Inc. ang pangunahing respondent sa patung-patong na kasong kriminal kung saan kasama ang mga corporate officers, ilang empleyado, 19 na kawani ng Philippine Coast Guard at dalawang opisyal ng Maritime Industry Authority.

Tiniyak ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na ang mga respondent sa nasabing kaso ay mapapanagot at mabibigyan ng hustisya ang mga naapektuhan na residente sa Oriental Mindoro.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Magugunita na dahil sa paglubog ng MT Princess Empress ay naglikha ng pagkasira ng kalikasan sa naturang lalawigan na naging dahilan para mawala ng hanapbuhay ang mga mangingisda doon.