Hiniling sa mga prosecutors ng Department of Justice (DOJ) na baliktarin ang kanilang desisyon na nagbasura sa murder complaint na inihain laban sa 17 pulis, kaugnay sa pagkamatay sa labor leader na si Emmanuel “Manny” Asuncion sa tinaguriang “Bloody Sunday” killings sa Southern Tagalog provinces noong March 7, 2021.
Ang naturang apela ang nilalaman ng motion for reconsideration na inihain sa DOJ’s panel of prosecutors ng asawa ni Asuncion sa pamamagitan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL).
Ayon kay Liezel, asawa ng biktima, lumalabas sa Affidavit-Complaint maging sa mga dokumento na inihain ng National Bureau of Investigation, na present ang lahat ng mga elemento para sa crime of murder, gaya ng paghahain ng kasong murder, at hindi dismissal.
Mababatid na sa resolusyon ng mga prosecutors, sinasabing hindi napatunayan ng complainant at mga ebidensyang isinumite nito na may existence ng krimen at hindi natukoy ang identity ng mga salarin.
Dahil dito, wala umano silang nakitang probable cause para kasuhan ang mga respondents.
