Pagtatanggal ng mga nakalaylay na kable ng mga Telcos sa Olongapo, inumpisahan na

Inumpisahan na ng City Government at ng ilang Telecommunication Companies ang pagtatanggal at paglilinis sa mga sala-salabat at nakalaylay na kable ng internet at telepono.

Ito ay makaraan ang unang patawag sa mga telco representative para solusyunan ang matagal nang reklamo ng mga residente.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Ayon kay City Council Committee On Public Utilities Ying Anonat, noong Lunes ay ipinatawag sa hearing ang mga ito at nangako sa komitiba na agad kikilos para alisin ang mga kable na di na napapakinabangan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kasabay nito, pinag-aaralan na rin sa Sangguiang Panlungsod ang pagpapasa ng ordinansa na magpapataw ng multa sa mga telcos na hindi susunod sa mga napagkasunduan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO