Salceda, nakikitang ‘best is yet to come’ para sa ekonomiya ng Pilipinas

“Best is yet to come”

Ito ang paniniwala ng isang economist-congressman pagdatng sa ekonomiya, matapos malampasan ng Pilipinas ang inaasahan sa kanilang full year gross domestic product (GDP) growth rate.

Ayon kay Albay 2nd district Rep. Joey Salceda, na ang 2022 full year GDP growth rate na 7.6 percent, na lampas sa target ng DBCC (Development Budget Coordination Committee) ay isang tagumpay para sa polisya ng administrasyon, dahilan para bigyang daan na magpatuloy ang recovery momentum sa full swing.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Para kay Salceda, na ang naturang achievement ay dahil sa mga polisya na tanggalin ang Covid-19 restrictions, nagrerekober na tourism sector at major leaders gaya ng BPO (Business Process Outsourcing), electronics, at mining sectors, pagpapatuloy ng polisiya na muling buksan ang bansa para mga investments, at muling pag-gigiit sa traditional economic partnerships ng bansa sa mundo.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Sa gitna nito, mas nasasabik ang mambabatas sa 2023 at para sa medium-term sa growth ng gross capital formation.

Samantala, nakikita rin ni Salceda ang mga positibong senyales sa sektor ng agrikultura, enerhiya at konstruksyon.