Tinamaan ng COVID-19 ang tinatayang nasa 68 staff members na nagta-trabaho sa headquarters ng tandem nina dating senadro Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte para sa eleksyon sa 2022.
Sa pahayag na inilabas ng opisina ni Marcos ay sinabi na mananatiling sarado ang headquarters ng BBM-Sara Uniteam sa Mandaluyong City ng karagdagang isang linggo.
Unang na-lockdown ang nasabing headquarters noong nakaraang linggo matapos magpositibo sa COVID-19 ang 30 staff members at volunteers nito base sa antigen testing noong Lunes.
Isinagawa naman ang RT-PCR testing noong Biyernes, kung saan ay nakumpirma na positibo ang 68 nilang staff members.
