DOJ, kinakapos sa pondo sa pagpapakain sa mga naaresto sa POGO

Hindi makabwelo sa mga opearasyon ang Department of Justice (DOJ) dahil sa kakulangan sa sapat na pondo.

Ito ang iginit ni Justice Secretary Jesus Remulla, kung saan sa dami na aniya ng kanilang mga na-aresto mula sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ay pinuproblema na kung saan kukunin ang pangpakain sa mga ito.

Bukod dito, nahihirapan na rin umano ang kagawaran kung saan ba ilalagay ang mga nahuhuli lalo’t umaabot na ito ng ilang daan.

Dagdag pa ni Remulla, maliban sa sapat na pondo pinuproblema rin nila ngayon ang pagpapahinto sa mga POGO na tanging PAGCOR ang may kakayanan kaya hindi sila basta makagalaw ng maayos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *