Mga lider ng Socorro Bayanihan Services, nais patawan ng hold departure order ng NBI

Isinusulong ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagi-isyu ng Precautionary Hold Departure Order (PHDO) laban sa mga lider ng sinasabing ‘kulto’ na Soccoro Bayanihan Services Inc. (SBSI).

Sa ilalim ng PHDO, hindi basta-basta makalalabas ng bansa ang na-isyuhan nito habang gumugulong pa ang preliminary investigation.

Sa oras naman na magkaroon na ng pormal na criminal complaint ay tsaka pa lamang makapag-iisyu ng mismong hold departure order (HDO).

Sa isinagawang clarificatory hearing kahapon sa Department of Justice (DOJ), nagsumite ang NBI ng karagdagang mga ebidensya, pati na rin ang kanilang apela para sa PHDO laban sa sinsabing lider ng Socorro na si Jey Rence Quilario alyas Senior Agila.

In-adopt ng NBI ang inisyal na imbestigasyon na ikinasa ng Commission on Human Rigts hinggil sa umano’y mga pang-aabuso ng grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *