DOJ, ipinag-utos ang dismissal sa 18 immigration personnel RE: Pastillas scam

Ipinag-utos na ng Department of Justice ang pagsibak sa pwesto sa 18 opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration, dahil sa kanilang pagkakasangkot sa “pastillas scheme,” na nagpahintulot sa ilegal na pagpasok sa Pilipinas ng mga Chinese citizens.

Ayon kay Justice Assistant Secretary Neal Bainto, nadiskubre ng DOJ na administratively liable ng naturang mga BI personnel para sa Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Dagdag ni Bainto, na ang penalty of dismissal, ay kaakibat rin ang penalidad na perpetual disqualification from holding public office.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Mababatid na sa ilalim ng naturang scheme, pinapayagan ang Chinese nationals na makapasok sa bansa nang hindi na sumasailalim sa mga kaukulang Immigration formalities, sa halip ay magbabayad nalang ng P10,000.

Ang pangalang “pastillas” ay lumutang, dahil ang bribe money ay binibigay na nakarolyo sa papel na tulad ng Philippine delicacy. //MHEL PACIA