DOH, binalaan ang mga LGUs vs pagbibigay ng 2nd booster sa general population

Binalaan ng Department of Health (DOH) ang mga local government units sa pagbibigay ng second COVID-19 booster shot sa general adult population kontra sa COVID-19.

Ayon sa ahensya, mananagot ang mga LGUs sa oras na may maitalang adverse events o komplikasyon mula sa general population kaugnay sa second boosters.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Mababatid na sa ilalim ng emergency use authorization, tanging ang mga immunocompromised individuals, healthcare workers, at senior citizens lang ang kwalipikado para sa second booster shot.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Ang babala ng ahensya ay matapos makatanggap ng mga ulat na may mga indibidwal na nabigyan ng second booster shot, nang hindi pasok sa criteria.

Giit ng DOH, hindi pa inirerekomenda ngayon ang second booster shots para sa general population. //MHEL PACIA