OCTA: Mild COVID-19 surge, posible ngayong buwan o Hulyo

Nagbabala ang OCTA Research na posibleng maranasan ang mild surge sa mga kaso ng COVID-19 ngayong buwan o sa Hulyo, matapos na mapansin ang mas nakakabahalang sitwasyon sa Metro Manila.

Sa naunang report, sinabi ng OCTA na ang positivity rate sa National Capital Region ay tumaas asa 2.2% as of June 8, mula sa 1.5% na naitala, isang linggo bago nito, habang tumaas rin ang reproduction rate sa 1.29 as of June 6, mula sa 1.15 as of May 31.

Ito rin ang unang pagkakataon simula noong April 8 na ang seven-day average sa mga bagong kaso sa NCR ay pumalo sa 100.

Maliban dito, bahagyang tumaas rin ang COVID-19 hospital bed use sa Metro Manila.

Sa kabila nito, nilinaw ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang computations ng OCTA ay hindi laging kapareho sa DOH, bagama’t senegundahan nito na ang positivity rate at mga kaso sa NCR ay talagang naobserbahan.

Bagama’t may posiblidad umano ng surge, binigyang diin ni Vergeire na hindi pa itong mangyayari sa ngayon o sa susunod na buwan. //MHEL PACIA