DOJ, ipinag-utos ang all out crackdown laban sa mga human traffickers

Nangako si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na patuloy ang kampanya ng Department of Justice laban sa human trafficking.

Karamihan kasi aniya sa mga nabibiktima ng mga ito ay mga menor de edad.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Ginawa ng kalihim ang pahayag kasabay ng paghahain ng DOJ ng kasong kriminal sa Calamba, Laguna Regional Trial Court laban sa isang bugaw na naglalako sa mga batang lalaki online sa mga dayuhan kapalit ng malaking halaga ng pera.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon sa DOJ, nakatanggap sila ng isang tip mula sa Federal Bureau of Investigation tungkol sa pamamahagi ng Child Sexual Abuse and Exploitation Materials ng respondent.

Wala namang inirerekomendang pyansa ang korte para sa nasabing kaso.