KORONADAL CITY – ISA ang patay; habang patuloy naman na minomonitor ang medical status ng driver ng SUV na sasakyan na naaksidente sa Barangay Maibo, Tantangan noong Hunyo 23, 2024 ng hapon. Ito ang kinumpirma ni PMaj. Erika Vallejo, hepe ng Tantangan Municipal Police Station sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kung saan pawang mga residente umano ang mga ito ng Cotabato.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, nagmula umano ang mga ito sa direksyon ng Tacurong City patungong Koronadal, ngunit pagdating ng mga ito sa paakyat na parte ng daan sa gilid ng sementeryo, kanila umanong iniwasan ang isang motorsiklo, ngunit dahil sa mabilis ang takbo ng mga ito, hindi na nakontrol ng driver ang kaniyang manubela sa layun sanang iwasan ito.
Dahil sa pangyayari, tumilapon ang sasakyan malapit sa bakanteng lote kung saan pinaniniwalaang tumilapon sa loob ng sasakyan ang babae na sakay nito na posibe umanong hindi nakasuot ng kaniyang seat-belt.
Sa ngayon, kinuha na ng pamilya ang bangkay ng biktima; habang patuloy naman ang ginagawang follow-up investigation ng mga otoridad sa naturang pangyayari.
Nananawagan naman si Vallejo sa mga motorista na mag-ingat sa pagpamamaneho ng sasakyan upang makaiwas sa aksidente.
