Naka-alerto ang Bureau of Customs sa posibleng pagdami ng mga agricultural products na posibleng ipuslit sa bansa ngayong papalapit ang holiday season.
Ayon kay Customs Asst. Commissioner Atty. Vincent Philip Maronilla batay sa mga report na kanilang natatanggap maraming grupo ang nagtatangka na magpasok ng mga smuggled products.

Inihayag naman ni Maronilla na may mga ginagawa na silang hakbang upang mapigilan ang pagpasok ng mga smuggled agricultural products sa bansa.
Sa katunayan ayon sa BOC official dahil sa sunod-sunod nilang operasyon umabot na sa P100-million halaga ng mga smuggled na produkto ang kanilang nasabat.
Kabilang na dito ang mga red onions, carrots at ilang mga gulay na sinasabing galing pa sa bansang China.