Umano’y pamumulitika ni VP Sara sa budget ng OVP – ‘di alam ni PBBM kung saan nahugot

Hindi raw alam ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. kung saan nanggagaling ang sinasabing pamumulitika sa pag-usisa sa budget ng Office of the Vice President

Katuwiran ng Pangulo, lahat naman ng ahensya ay dumadaan sa budget hearing ng Senado at Kamara.

Ayon kay Pangulong Marcos, taun-taon ring ginagawa ang pagbusisi sa pondo at wala itong kinalaman sa pulitika.

Sadya anyang ginagawa ang pag-usisa sa paggastos at mga programa ng bawat departamento para malaman kung sapat ang alokasyon at kung paano itong gugugulin.

Samantala, hindi rin daw naiintindihan ni Marcos ang naging hakbang ni VP Sara na paghingi ng paumanhin sa mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ.

Pero sabi ng Pangulo, prerogative yon ng bise presidente.

Ayon pa kay PBBM, hindi na sila nagkakausap ni Duterte at ang huling pag-uusap nila ay noon pang magbitiw ito sa gabinete.