DOJ, hinikayat ang mga nabiktima ng human trafficking ni Pastor Quiboloy na lumantad para sa kanilang proteksyon

Hinimok ng Department of Justice ang mga biktima at kanilang pamilya kabilang ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ na umano’y mga biktima ng human trafficking ng wanted na si Pastor Apollo Quiboloy na lumantad na kasabay ng pagtitiyak ng kanilang kaligtsan at proteksyon.

Ito’y kasunod ng pagsisilbi ng PNP Region 11 ng alias warrant of arrest laban kay Quiboloy sa KOJC compound kung saan dalawang indibidwal ang nasagip na hinihinalang biktima ng human trafficking.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nasa protekshon na ng pulisya ang mga nasagip matapos silang ma-asses ng DSWD Region 11.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Bukod sa pagpuri ng kalihim sa pagligtas sa mga biktima ng human trafficking, hinikayat din ng kagawaran ang mas pinaigting na koordinasyon sa pagitan ng Inter-Agency Council Against Trafficking, PNP, at DSWD upang matiyak ang malakas na mga kaso laban sa mga salarin na layong mahatid ang katarungan sa mga biktma.