Pinatawan na ng Cease and Desist Order at Notice of Violation ang Quezon City Government ang club sa kanilang lungsod.
Kinandado na ang Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa E. Rodriguez Sr. Avenue.
Dahil ito sa hindi pakikipag-cooperate ng naturang establishment ng contact tracing team sa lungsod.
Bahagi ito ng pagtukoy nila sa mga naging contacts ng mpox case para matukoy ng City Epidemiology and Surveillance Division (QCESD) ang posibleng transmission ng sakit.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte, banta ito sa kalusugan at kapakanan ng QCitizen.
Aniya, maagap ang ginawang pagtugon ng kanilang lungsod, pero na-dedelay naman dahil sa hindi pagsunod ng establishment.
Samantala, nananawagan naman si Belmonte sa may-ari ng mga negosyo na makipagtulungan sa pamahalaan para sa kalusugan ng kanilang mga mamamayan.