DOH: Walang mandatory face mask policy sa Metro Manila

Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang kumakalat na mga balita sa social media na muling ipapatupad ang mandatory na pagsusuot ng face masks sa Metro Manila.

Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na maging mindful sa mga impormasyon na kanilang ibinabahagi at ang pinanggagalingan ng impormasyon ay mula lang sa mga reputable sources.

Read More:  Family appeals for help as Filipino doctor Juan Carlos Manalo remains missing in Nepal

Mababatid na sa ngayon, ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 1, na ibig sabihin, ang restrictions ay nananatili sa status quo.

Read More:  Prosecution not afraid of Lachica testimony, questions its value in VP Duterte impeachment trial

Sa kasalukuyang polisiya, ang pagsusuot ng face masks sa indoor at outdoor settings ay boluntaryo, maliban sa mga healthcare facilities, medical transport vehicles, at public transportation. //MHEL PACIA-TRINIDAD