DILG sa mga LGUs: Maghanda na ng mga contingency plans vs El Niño

Nanawagan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa mga local chief executives (LCE) sa buong bansa, na maghanda at magsagawa ng mitigating measures para mabawasan ang epekto ng El Niño phenomenon.

Sa Memorandum Circular (MC) No. 2023-065, naglabas ng kaparehong direktiba si Abalos sa DILG Regional Offices, Bangsamoro Administrative Region for Muslim Mindanao (BARMM) Minister of the Interior and Local Government at iba pang mga kinauukulang partido.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Nilinaw naman ng DILG chief na ang naturang MC ay para sa mga provincial governors, city at municipal mayors pababa sa mga punong barangay, DILG Regional Offices at BARMM Minister.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Binigyang diin nito, na agad atasan ang mga LGUs na aprubahan ang mga ordinansa na makakatulong na mapigilan ang illegal water connections at hinikayat ang pagtitipid ng tubig. //MHEL PACIA-TRINIDAD