DOH wala pang planong magluwag ng quarantine restrictions

Kinumpirma ni Health Sec. Francisco Duque III na patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga safety protocols kontra COVID-19 sa gitna ng banta ng Omnicron variant.

Paliwanag ni Duque walang lugar sa bansa ang ibaba sa Alert Level 1 kahit pa mababa na ang bilang ng mga kaso ng sakit.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa ngayon naghihintay lamang ang DOH ng mga bagong ulat mula sa World Health Organization kaugnay sa Omicron variant upang matantiya ang mga hakban at pagtugon ng pamahalaan.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Nakiusap naman sa publiko ang kalihim na samantalahin na ang pagpapabakuna sa Bayanihan, Bakunahan program lalo na ngayon may banta ng Omicron.

Iginiit din ni Duque na malaking tulong ang pagsunod ng publiko sa minimum public health standards para mapababa ang kaso ng COVID-19.