NAGA CITY- Tutungo sa Naga City si Department of Health Undersecretary Nestor Santiago kasama si DOH Regional Director Ernie Vera at team para sa iwas paputok campaign ng kagawaran.
Bibisitahin din ang Bicol Medical Center at titinggan ang kahandaan nito sa pagtangap ng kung sakali mang magkaroon ng masusugatan dahil sa paputok.
Nakapuwesto ang mahigit 30 na mga pumasang vendors at nakapag comply ng requirements sa may Naga River sa may Naga City People’s Mall simula noong Disyembre 23. Mahigpit ang monitoring sa kanila ng Task Force paputok, ang mahuhuling lumabag sa mga patakaran ay maaaring bawian ng permit.
Paggamit ng iba pang paingay ang kampanya ng kagawaran. Ang mga nagtitinda naman ng totorot ay kalat saan mang parte ng lungsod lalo na sa centro.
Ayon kay Aliyassa Balangi , kahapon ayos bentahan pero umaasa sila na makakarami pa ngayon. ₱50.00 hanggang ₱150.00 ang presyuhan depende sa klase at sa laki. Kaisa aniya sila ng DOH sa ligtas na Bagong Taon.