DOH: ‘Unauthorized’ grant ng meal allowances para sa mga health workers, settled na

Binigyang diin ng Department of Health na ang napaulat na “unauthorized” grant sa P275.9-million halaga ng meal allowances sa mga health workers ay naresolba na.

Ang tugon ng DOH ay kasunod sa bagong findings ng Commission on Audit findings na nagsasabing namahagi ang ahensya ng ilang meal allowances nang walang legal na basehan.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act, ang mga healthcare workers ay entitled sa meals, accommodation, at transportation benefits, kaya nagdownload umano ang DOH ng P2.4 billion sa mga ospital.

Paliwanag ng DOH, dahil sa mga hamon ng pagbibigay ng actual meals sa mga healthcare workers na hindi nasusunod ang regular break schedules, mas pinili nalang ng ilang ospitals at pasilidad na ibigay ang naturang benepisyo sa pamamagitan ng cash, grocery vouchers, grocery items, at iba pa. // MHEL PACIA-TRINIDAD