Private hospital group, umaasang di itutuloy ng mga health workers ang mass resignation

Umaasa ang grupo ng mga private hospitals na hindi itutuloy ng mga healthcare workers ang kanilang plano na mass resignation dahil sa hindi nabayarang pandemic-related benefits, sa gitna ng lumalalang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Dr. Jose Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, na malaki ang magiging epekto sakaling ituloy ang naturang plano ng mga health workers, lalo na ngayong pandemya.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Mababatid na dismayado ang ilang frontliners na humaharap sa health crisis dahil sa maliban sa mababang sahod at overworked, ay hindi pa nakakarating sa kanila ang ilang buwan na halaga ng special risk allowance (SRA) at iba pang insintibo na sakop ng batas.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Ang babala ng mga frontliners na “medical lockdown” ay sa gitna ng panibagong hinaharap ng bansa na paglobo ng COVID-19 infections.

Sa katunayan, maraming ospital na lalo na sa Metro Manila, ang nagdeklara ng full occupancy. // MHEL PACIA-TRINIDAD