CSC Bicol binuksan lamang ang Penology at Fire officer examination sa mga Albayano

LEGAZPI- Humingi ng despensa ang Civil Service Commission Regional Office V matapos ulanin ng negatibong komento at reklamo mula sa mga lalawigan sa labas ng Albay matapos di mapayagan na magaka apply para sa isasagawang fire at penology officer examination.

Ito ay matapos na buksan lamang ekslusibo para sa mga Albayano.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ayon kay Atty Daisy Punzalan Bragais, Regional Director ng CSC Bicol, sa panayam ng Brigada News FM Legazpi, ito ay base sa rekomendasyon at pag-aproba ng Task Force for Covid-19 sa lungsod ng Legazpi na buksan lamang ito sa lalawigan lamang ng Albay dahil sa tumataas na kaso nakakahawang sakit.

Aniya, naiintindihan nito ang pagkadismaya mula sa ibang lugar at humihingi rin ng pag-intindi dahil sinusunod lamang nila ang protocols.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Kung sakali man umano na may pagbabago na sa sitwasyon ngayon pandemya agad nilang ibabalik sa normal ang sinasagawang mga eksaminasyon.

Sa ngayon aabot sa 420 na mga Albayano ang magsasailalim sa nasabing examination sa darating na Octobre 10.