DOH, umapela sa next admin na ituloy ang mask mandate

Umapela si outgoing Health Secretary Francisco Duque sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy pa rin ang pagre-require ng pagsusuot ng face masks.

Ito ang naging pahayag ng kalihim sa gitna ng mga panawagang alisin na ang mask mandate sa bansa dahil sa mababang bilang ng mga COVID-19 cases.

Bagamat mayroong na-detect na kaso ng mas nakahahawang Omicron BA.5 subvariant sa bansa, sinabi ni Duque na mas makabubuti pa rin kung mananatili ang mask mandate dahil masiyado pang maaga.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Paliwanag ng kalihim, ngayong full-capacity na ang mga pampublikong sasakyan at mga establisimiyento, mas mapo-protektahan pa rin ang mga Pilipino kung sila ay naka-face masks.

Aniya, dapat manahin ng susunod na administrasyon ang mataas na mask compliance ng mga Pilipino.

Kahapon sa Media Forum ng DOH, sinabi ni infectious disease expert Dr. Anna Ong-Lim na mayroong mga pag-aaral ngayon na nagsasabing posibleng makatulong ang face masks para mapataas ang immunity ng isang indibidwal.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Naniniwala rin si infectious diseases expert Dr. Edsel Salvaña na kaya mataas ang COVID-19 cases sa ibang mga bansa ay dahil maaga silang nagtanggal ng mask mandate.

Ipinunto pa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kung sila ang tatanungin, face masks ang pinakahuli nilang tatanggalin sa mga safety protocols dahil maliban sa naiiwasan nito ang pagkalat ng COVID-19, malaki rin ang naitutulong ng face masks sa iba pang mga respiratory illnesses.
#