DOH sa LGUs: Limitahan ang pagtanggap ng walk-ins sa COVID-19 vaccination sites

Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga mga lokal na pamahalan na limitahan ang bilang ng mga walk-ins na tatanggapin bawat araw sa mga COVID-19 vaccination sites, para maiwasan ang overcrowding.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang magset up  ng hiwalay na lane para sa walk-ins sa mga vaccination centers.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Matatandaan na nitong linggo nang dagsain ng mga tao ang vaccination sites sa Parañaque at Manila, matapos malaman na ang Pfizer vaccines ang gagamitin.

Ang mahabang pila ang nag-udyok sa DOH na huwag nang ianunsyo sa publiko ang available vaccine brands, sa halip aabisuhan ang recipients kung anung brand ang ituturok sa kanya sa oras na nasa site na ito.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Samantala, sinabi naman ni Dr. Gloria Balboa, DOH regional director for Metro Manila, na ang vaccinations ay kadalasang organisado sa mga lungsod na hindi tumatanggap ng walk-ins. // MHEL PACIA