DOH sa inilabas na EO sa Cebu sa pagsusuot ng facemask; ‘Hindi pa tapos ang pandemya’

Binigyan-diin ng Department of Health (DOH) na pinapayagan lamang ng Inter-Agency Task Force ang pagtanggal ng face masks sa ilang mga pagkakataon katulad ng pagkain kapag nasa labas ng bahay.

Ito ang reaksiyon ng DOH sa inilabas na executive order ni Cebu Gov. Gwendolyn Garcia kung saan pinapayagan nito ang mga residente sa lugar na hindi magsuot ng facemasks basta’t nasa well-ventilated at open spaces.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Sa isang pahayag sinabi ng DOH na napatunayan na ng siyensiya kung paano nakatulong ang facemask para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.

Read More:  Cayetano seeks suspension of NBI Chief Matibag

Ipinaalala din nito sa publiko na hindi pa tapos ang pandemya at may banta pa rin ng virus lalo na sa vulnerable population.

Dahil dito umapela ang health department na maging responsable ang lahat ang gawin ang kanilang parte para maiwasan ang panibagong COVID-19 surge.